Who can you trust? 6 things Filipinos want in our next President

f3fc7 voting2

Presidential Elections! One of the most important things in the life of a Filipino. Kailan pa ba tayo maaaring makapili ng mamumuno sa atin? Dito may pagkakataon tayong sabihing “Tama na!” sa isang politiko at itulak naman sa bagong uri ng paglilingkod ang isa pa. Fun times! Kadalasan nga, fiesta pa, di ba?

Paano nga ba tayo pipili ng tamang kandidato? Marami silang ipinagsasabi diyan – ipagpapatuloy ang isinulong at ipinaglaban ng ama, mahirap lang din daw siya, sa diretsong daan daw yung iba, may kamay na bakal naman ang isa, at kung anu-ano pa. Maraming drama at maraming kwentong isinusulong para lang isipin mong naaayon sila sa mga bagay na pinahahalagahan mo.

The latest Philippine Trust Index (the one for 2015) indicates that there has been a very noticeable decline in how much trust the President of the Republic now has. In 2012, it was around 28%. Now, it’s a much lower 15%. Amusingly, trust in the Senate and the Congress is even more saddening with 10% and 8%. Paano naman ang local government? Dito medyo mas maganda. Sa mga sangay ng goberyno, ito ang pinakamataas ngayon ang rating.

Ano ngayon ito sa iyo?

Panahon mag-prioritize! Kailangan nating isipin kung ano nga mas makabubuti para sa atin, sa ating pamilya, at sa ating buong bayan.

Sabi nga ng Philippine Trust Index, ito ang mga nangungunang pinahahalagahan ng mga Pilipino:

  • Ensure national peace and security
  • Help the poor address their basic needs such as housing, food, and education
  • Improve Philippine economy
  • Put corrupt politicians in jail
  • Prepare communities for disasters and calamities
  • Provide better job opportunities for Filipinos

Kita mo na? Tama naman ang pinahahalagahan natin. Gamit itong mga ito, una siguro nating gawin ay salain ang mga politikong nangangako ng kung anu-ano at tignan kung may tumutugon nga ba sa mga nabanggit natin sa itaas. Game? Game!

Itanong mo ang sarili mo ang mga sumusunod:

  • May mga nagawa na ba siya ukol sa binanggit natin sa itaas?
  • May plataporma ba siya para sa peace, security and order?
  • Ano ang masasabi niya sa pagtulong sa mahihirap para matugunan nila ang mga pangangailangan para sa tirahan, pagkain, at pag-aaral?
  • May kakayahan ba siyang ipinakita na sa pangangalaga ng ekonomiya?
  • May lakas ba siya ng loob at kakayahang ipakulong ang mga tiwaling mga politiko kahit kaalyado pa?
  • May programa ba siya para sa tunay na paghahanda sa mga kalamidad?
  • May naipakita na ba siyang kakayahan o may nagawa na ba siyang proyekto para makapagbigay ng trabaho sa mga mamamayan?

Hindi puedeng sikat lang. We’ve seen the governments of the countries we’re in. We’ve seen how they work and how they are able to get concrete change done. Hindi ba natin puedeng ipangarap ito para sa sarili nating bansa?

Maraming Pilipinong nawalan na ng pag-asa sa mga dapat naglilingkod sa atin kaya iniisip nilang sila na lang ang bahala sa buhay nila, sa pamilya nila.

It can’t be like that. We have to do our work, do our part in nation building but we also have to make sure that we elect good people to office. Hindi puedeng yung sikat lang. Hindi puedeng yung anak lang ng kung sinong sikat din. Dapat siya, may nagawa na rin. Siya mismo. Hindi rin puedeng yung namimigay ng t-shirt, kendi, o kaya pera pa.

Part of our trying to make our lives better as OFWs even if our politicians are still trying to get their acts together is making sure our own families get fed and get what they need so that they’re healthy and able to do what they want to do with their lives.

Hindi ka nga politiko pero puede ka pa ring makatulong. Paano? Nandito ang BeamAndGo para siguruhing mas makakatulong ka. Dahil mas makasisiguro kang maayos ang padala mo sa mga mahal mo gamit ang BeamAndGo, panahon na rin na ipakalat mo ang balita sa mga kakilala mo. Share mo lang sa kanila ito: www.beamandgo.com o kaya panuorin niyo lang kung papaano makakatulong ang BeamAndGo sa mga OFWs na katulad niyo.

Kaunti lang itong tulong. At least sigurado ka na ang mga padala nila sa mga kapamilya nila ay makararating nang maayos at hindi maaaring lustayin sa maling paraan.

2 thoughts on “Who can you trust? 6 things Filipinos want in our next President

  1. Too long, yet it is good; appreciate that. For me, I can explain it briefly in just few words even. “Just take a glance Davao, know what is Davao, and know who tansfomed the Hell Davao before to a Present Paradise Davao now.

Leave a ReplyCancel reply