Dahil summer na, happy-happy na ang lahat ng mga estudyante. Siyempre pahinga muna sila pero ang mga butihing magulang, hero mode pa rin. Such is life sa magulang, di ba? At happy naman tayo na ganoon nga. Wala na ring mas gaganda pa para sa atin kundi ang magandang buhay ng ating mga minamahal.
Panahon na para magpadala sa Pilipinas galing sa BeamAndGo! Siyempre pa, happy graduation at happy summer sa ating buong pamilya!
Sigurado tayong patuloy na magtatrabaho ang lahat pero dahil oras ng pahinga (nang kaunti lang!) pwede natin ngayong pag-isipan kung (*dandararan*) paano mas mapapabuti pa ang pagpapadala natin sa ating pamilya. We gotta have a plan.
Hindi naman ito iba sa ginagawa ng isang kumpanya pagkatapos ng isang taon. Tinitignan nila ang lahat ng ginawa nila sa buong taon tapos iniisa-isa nilang tignan kung alin ba doon ang mabuting nagawa (Good job!) at alin ang hindi na dapat maulit pa (Let’s try something else!). Kung ganoon sila at patuloy silang successful, siguro mabuting gayahin din natin.
Una: BUDGET!!!
Since sigurado ka naman sa tatanggapin mo
buwan-buwan, alam natin ang pera mo pagkatapos ng isang buwan. Susumahin din natin ang pera sa buong taon. Wag na muna nating isama diyan ang pera sa bangko. Kahit na ano pa iyon, savings for a rainy day na iyon. Sa madaling salita: Emergency money. Wag gagalawin.
Ilista na ang pangangailangan ng pamilya – tuition, pagkain, gamot, upa, insurance, property tax (wag kalilimutan!), rehistro ng sasakyan, atbp. Iba-iba iyan sa bawat tao kaya kailangang pag-isipan nang maayos. No copying ika nga.
Ngayon, tignan natin kung gaano kalaki ang kukunin nito sa ating sweldo. Gaano pa ang natitira?
Tapos, kailangan na nating ilista ang mga maasahang gastusin – graduation season na ba para sa inyo? May JS prom ba? May bibinyagan ba? May panlalaking binyag na ba? May plano bang party for this year? Tulad sa unang bahagi ng ating budget, ikaw lang ang makapagsasabi kung ano dapat ang kasama dito. Kausapin ang lahat ng mga tao sa pamilya para mas maganda at kumpleto ang iyong listahan. Again, titignan natin kung magkano ang kakainin nito sa natitira nating pera.
May hindi ka ba maililista? Sigurado iyon. Kaya nga naririyan dapat, pagkatapos itabla sa ating dalawang nagawa nang listahan sa ating kabuunang salapi, ang isasantabi nating “contingency fund.” Ganda ng pangalan no? Parang emergency fund lang iyan pero for the year lang. Yung emergency fund na nasa bangko na, hindi pa kasama dito iyan.
Alam namin na medyo mahirap isipin lahat iyan. Tignan mo itong aming video.
Ikalawa: Ipasa natin ang plano sa ating pamilya
Sinadya talaga namin dito sa BeamAndGo na maging tulong sa inyong lahat kaya nga kami nandito. Dito, katulong din natin ang I-Remit.
Dapat nakabudget na ang isa sa pinakamahalagang item sa ating budget – food! Mas madali na ito ngayong gawin dahil hindi mo na nga kailangan pa ng computer! Punta ka lang sa branch ng I-Remit para mapakinabangan ang BeamAndGo Mobile Padala Groceries at, ito na, gagawin mo ang mga sumusunod:
1) Sisiguraduhin mong member ka na ng BeamAndGo.
Syempre naman, gusto namin na parte ka ng aming community. Pagkakataon mo rin ito para makita ang iba’t ibang pwede mapadala sa iyong pamilya. Sign up ka na. Name, email address at mobile number mo lang naman ang kailangan.
Kung miyembro ka na dati pa, good job! At least, updated ka sa mga balita namin.
2) Punta ka sa kahit alin na I-Remit branch sa mundo at mag-fill up ng Remittance Application Form o RAF.
Para maging secure ang gagawin na transaction, syempre kailangan ng I-Remit ang iyong mga detalye: pangalan mo, email address mo, mobile number mo, at tamang mobile number ng padadalhan mo sa Pilipinas.
3) Pipili ka ng supermarket merchant.
Bibigyan ka nila ng aming BeamAndGo “menu” o “clearbook” para makita mo kung anu-anong supermarket ang pwede pati ang mga lokasyon niyo. Sa kasalakuyan, ang merchants namin ay ang mga sumusunod: G Mall, Super 8, Iloilo Supermart, Gaisano Capital, Prince Hypermart, San Roque Supermarket, at malapit narin ang LCC Supermarket.
4) Sasabihin mo kung magkano ang gusto mong ipadala (mula Php 1,000, Php 2,000, o hanggang bahala ka na kung magkano. Basta’t ang denominasyon ay Php 1,000)
5) Bayad na!
Pag nakabayad ka na, may SMS na ipapadala sa iyong recipient. Yung SMS na iyon ang mismong gift certificate ng BeamAndGo na magagamit na nila sa pagbili ng groceries sa pinili mong supermarket. How easy, di ba?
Ang maganda dito, dahil nga andiyan ang I-Remit hindi mo na kailangang bunuin ang pagpapadala mag-isa. May menu pa ng BeamAndGo. Saan ka pa?
Aba’y saan nga ba sila? Eto, tignan mo ang website nila para makita mo ang iba’t ibang branches ng I-Remit na maaring puntahan.
http://www.myiremit.com/foreign_offices.php
Ano pa ang hinihintay mo? Punta na sa BeamAndGo website para tignan ang mga pwede mong ipadala sa Pilipinas tapos diretso na rin sa I-Remit para sa walang kaabog-abog na pagbabayad.
Happy sending, Beamers!