Handa na ba kayo sa isa pang set ng mga kwento ng mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ng ating mga Beamer? Mga nanay silang lahat at hindi tayo sobrang naiiba sa kanila. Maririninig mo kaya ang sarili mo sa mga kwento nila?
Di mo pa nakikita yung ating Unang Yugto? Click ka lang dito.
Experiencing the most of life: Karen Jaque
Kilala natin ang kwento ni Karen ng Iloilo: Pumunta
Para sa marami nating kababayan, halos buong buhay nila, doon lang sila sa lugar nila. Maaari itong sa probinsiya nila o, para sa iba, sa mismong barrio pa nga. Si Karen, ngayon ay gumagala na sa malilinis at malalawak ng kalye at building ng Hong Kong.
Matindi ang ligaya na nabibigyan mo ng mas magandang buhay ang pamilya mo pero may halong lungkot pa rin, siyempre.
“Sobrang nami-miss ko ang mga anak ko, si Brian at si Sandy. Sana ma-appreciate at maintindihan nila kung bakit wala ako sa tabi nila while they’re growing up. Nandito ako sa Hong Kong para sa edukasyon nila. Hindi lahat ng gusto nila ay maibibigay ko. Yung best na makakaya ko lang.”
Mula sa malayo, kayang-kayang ibigay ang best sa tulong ng BeamAndGo. Nasubukan mo na?
Every centavo counts: Judie Anne Lauron
Wala nang asawa si Judie Anne at bagong salta lang
Hindi biro sa bagong salta ang mawalay sa mga anak lalo pa’t sa kanila na lang umiinog ang buhay niya. Buti na lang at tunay na mabait ang amo niya at pinapauwi-uwi naman siya. Kaso nga lang, naisip ni Judie Anne na ipagpapaliban na lang ang pag-uwi dahil magastos nga naman. “Yung ipapauwi sa akin, I-pera ko na lang pag umuwi na talaga ako.”
Ganoon dapat mag-isip ang isang Beamer. Oo nga’t malungkot minsan pero para sa higit na ikabubuti ng mga anak natin, dapat kaunti pang tiis. Plus, andito naman nga ang BeamAndGo para tumulong na hindi mapunta sa mali ang perang ipinadadala mo.
Parati siyang sinasabihan ng anim na anak na umuwi na sa Iloilo pero bilang nanay, alam niyang hindi pa siguro panahon. Mahirap ang buhay sa lugar nila sa Iloilo at malaking tulong ang pagpupursige niya sa Hong Kong para makapag-aral nang maayos ang mga anak niya.
Sila ang D-family. Si Dario ang asawa nitong si “Darna” at ang kanilang mga supling? Sina Darwin, Dariel, Dianne, DJ Diet, at Daylin.
Siyempre, hindi naman puro ligaya ang bunga ng kanyang pagpunta sa HK. Pag wala ang magulang, wala ang magulang. Sabi nga niya, “Mahirap ding wala ako doon sa amin kasi ang mga anak ko hindi makapag-aral nang maayos. Nagbabarkada, siyempre walang nagdi-disiplina nang maayos sa kanila.”
Ano ang gusto niyang ipaabot sa mga anak? “Mag-aral kayo nang mabuti dahil mahirap talaga maghanap ng pera. Ang pinaghirapan ko ay dapat ginagastos n’yo sa mabuting mga bagay.”
Kaya nga siguro Beamer na ngayon si Darna.
Labintatlong-taon na sa Hong Kong si Genalyn. Beteranong-beterano na kung tutuusin.
Dating midwife si Genalyn pero hindi nga naman ganoon kalaki ang kinikita ng isang midwife sa Pilipinas at hindi talaga magkasya sa mga pangangailangan nila. Tubong Davao siya at naisipan niyang pumunta na lang ng Hong Kong.
“Umuuwi ako every two years pero mahirap. Nilalabanan ko na lang (ang lungkot) kasi pangarap ko talaga sana na gaganda ang buhay nila t sana matupad ang mga pangarap nila.”
Para sa mga tulad ni Genalyn at ng marami sa atin, ang pagkatupad ng pangarap ng mga anak ay siyang mismong pagkatupad ng sarili niyang pangarap.
Habang nasa malayo, alagaan natin sila sa tulong ng BeamAndGo. Sa pagtutulong-tulong natin, makakaya iyan.
Ano ang kwento mo?
Sigurado kaming may sarili ka ring kwento. Sa Hong Kong, Japan, Singapore, Middle East, o saan ka man, gusto naming marinig ang kwento mo. Share mo naman sa amin. Huwag ring magpahuli sa pagiging isang Beamer. Sign up ka na sa www.beamandgo.com!