Where else can one truly experience the spirit of Christmas other than in a Filipino home?
Taon-taon, Pasko lang naman ang isa sa pinaka-pinaghahandaang okasyon ng bawat pamilyang Pilipino. Pag pasok pa lamang ng -Ber months, unti-unti nang nakikitaan ang bawat tahanan ng makukulay na dekorasyon, Christmas lights, at Christmas tree, kaya naman ito na ang tinaguriang pinaka-mahabang selebrasyon sa puso ng mga Pinoy.
Related: Sama-sama sa Paskong Pilipino
Pagsapit ng Disyembre, wala nang makakapigil sa kaliwa’t-kanang tugtugan ng pamaskong awitin, pangangaroling ng mga bata dala ang kanilang tambol na gawa sa lata, mga bilihan ng puto bumbong lalong lalo na sa labas ng simbahan matapos ang Simbang gabi, at Christmas party sa kung saan-saan.
Pero paano na lang ang ating kapwa Pilipino na wala sa ating bayan sa panahon ng kapaskuhan? Malayo na nga sa pamilya, ibang-iba pa ang diwa ng Paskong natatamasa nila sa piling ng banyaga.
That’s why Manila Economic and Cultural Office (MECO) desires to bring the Filipino Christmas culture and tradition across the seas, all the way to Taiwan!
This year, they’re coming back to bring you Paskong Pinoy 2018 at Expo Hall Taipei Flower Expo Park on December 9, 2018, Sunday, from 10AM to 5PM.
For almost a decade now, taon-taon nang ginaganap ang Paskong Pinoy sa Taipei. Tuwing sasapit ang Disyembre, hindi na magkamayaw ang libu-libong OFWs para magsama-sama at makisaya sa event na ito. Ika nga nila, para na rin silang umuwi sa Pinas FOR FREE tuwing dumadalo sila sa Paskong Pinoy na pinangungunahan ng MECO.
Those who’ve been to this annual event know exactly why they choose to join every single year. Ikaw ba? Are you still deciding to go or not to go? Let us help you figure out the answer, Kabayan!
You should join this year’s Paskong Pinoy dahil…
- Pinoy performers and artists na dating sa TV mo lang nakikita, ngayo’y sa personal na!
Enjoy the festivity together with your favorite artists!
Walang palya sa paghandog ng bigating mga artista at performers ang MECO para siguradong sulit ang pakikidalo ng ating mga Kabayan sa once in a life time experience na ito.
Jericho Rosales?
Joseph Marco?
Rayver Cruz?
Sino ba namang tatangging makita sila nang harapan, hindi ba? Kaya nang mga nakaraang Paskong Pinoy, sila mismo ang nagpakilig sa mga mamamayang Pilipino sa Taipei! Mapa-babae o lalaki, may asawa o single, hindi napigilang tumili!
Ngayong December 9, sino naman kayang magpapakilig at magpapatili sa inyo? Naiintriga ka na ba? Don’t you worry dahil siguradong hindi ka madidismaya. Malay mo, ang childhood artista crush mo na pala ang susunod na makikisaya!
Pero hindi lang kiligan at tilian ang aabangan sa Paskong Pinoy dahil siguradong mapapasayaw at mapapakanta ka sa performances ng mga Pinoy bands, rappers, singers at dancers. Hindi lang ‘yan basta-basta because some of them have already performed in international stages! Big time, ‘di ba?
Kung pagod ka nang makisayaw o makikanta, papawiin ‘yan ng mga komedyanteng magtatanghal para sa inyo! Ilan lamang sa mga nagpasakit ng mga tiyan ng OFW noong mga nakaraan Paskong Pinoy sa Taiwan sina Giselle Sanchez, DJ Chacha, at Alex Calleja. Kaya bago ka dumalo, ihanda na ang inyong panga sa kakatawa!
2. Enjoy fun games, win raffles, and claim your prizes!
Hindi matatapos ang araw nang hindi punong-puno ng pampremyo, freebies, at giveaway items ang bag na iuuwi mo ngayong pasko dahil maraming nakahandang palaro ang MECO para sa lahat ng dadalo, lalong lalo na sa inyong manggagawang Pilipino.
Bata man o matanda, babae o lalaki, individual o by-group ang labanan dito ay bilis, tapang, at talino kaya i-ready na ang sarili para makipag-paligsahan. Paalala lamang, katuwaan lamang ha, Kabayan? Walang personalan!
Paskong Pinoy 2018 is sponsored by numerous companies and Filipino brands kaya’t hindi ka mauubusan ng mapapanalunan at mahahakot na freebies na talaga namang inihanda para sa inyo.
Pero manalo man o matalo sa mga palaro, hindi naman talaga importante dahil ang mahalaga ay nakiisa ka sa kasiyahan at pagsasama-sama ng kapwa natin Pilipino sa isang malaking patimpalak na ito.
3. Pinoy Litratista’s Cosplay Competition at Caroling Competition
For the previous years, hindi na mawawala sa Paskong Pinoy ang Cosplay Competition. Walang pinipiling edad ang Pinoy na sumasali dito, at talaga namang pinaghahandaan ng bawat kalahok ang kanilang costume.
Make-up, costume, performance, and acting – lahat bongga! So, if you’re into anime, or cute stuff, or art, o gusto mo lang magpakuha ng litrato kasama ang enggrandeng costume ng mga cosplayer na kalahok, then, don’t miss the chance to do so! A photo of you joining the event is totally IG-worthy, lalo na kung kasama mo pa ang nag-ga-gandahan at nag-gwa-gwapuhang cosplayers ng Pinoy Litratista’s Cosplay Competition.
However, this year’s Paskong Pinoy will also be highlighting the Caroling Competition. With the theme, “Big Hearts, Big Group: Pa-Christmas Caroling ng MECO!”, Groups of Pinoys in Taiwan will be performing in a cappella, without any musical accompaniment. Top 5 winners of the said competition will receive Noche Buena package and a cash prize to be donated to the group’s chosen beneficiary in the Philippines.
4. Filipino delicacies that will satisfy you cravings
Takam na takam ka na ba sa pagkaing Pinoy na hindi mo mahahanap nang basta basta sa Taiwan? That’s why Paskong Pinoy 2018 is here for!
Makakapag-food trip ka dito dahil hindi lang mga pamaskong handa ang aabangan mo. Siguradong present sa kasiyahan ang iba’t-ibang putaheng Pinoy na matagal mo nang hindi natitikman.
Mula sa simpleng arroz caldo na perfect na pampainit ng sikmura sa magandang umaga, chicken inasal at sinangag, lumpiang shanghai at suka na may sili, suman, puto bumbong at mga kakanin, tuyo, mangga at bagoong, itlog na maalat – asahan mong malalasap sa Paskong Pinoy 2018.
Para ka na ring umuwi sa Pinas!
5. BeamAndGo’s Beamerkada + freebies + surprises!
Dahil kung nasaan ang OFWs, naroon ang BeamAndGo kaya naman kami mismo ay bibisita sa Paskong Pinoy 2018!
Makipag-kwentuhan, tawanan, kantahan, at biruan kasama ang Beamerkada sa BeamAndGo booth!
Marami ring pabaon para sa mga Kabayan natin ang Beamerkada. Sa booth pa lang ng BeamAndGo ay para ka nang nakipag-christmas party in another whole event! Exciting games awaits you, Kabayan, which comes with exciting prizes!
Noche buena package? Supermarket Gift Certificates? Groceries packages? Exclusive BeamAndGo souvenirs? Malay mo, isa dyan ang mapanalunan mo.
And the most important thing, BeamAndGo will be there to help you to handle your remittances to your family in the Philippines, the smartest way!
Want to get started as early as now? Visit www.beamandgo.com, or feel free to watch this video.
Inuulit namin, Paskong Pinoy 2018 will be held on December 9, 2018, araw ng Linggo, mula ika-10 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon sa Expo Hall Taipei Flower Expo Park
O, pa’no? Excited ka nang pumanta, ‘no?
Hihintayin ka ng Beamerkada, Kabayan!