多謝: Salu-salo ng mga OFWs sa Hong Kong!

268ef 12694724 477443862464635 2128775495827277992 o

 

Nagkasama, nagkita, at nagsaya ang mga Beamers, kanilang mga kaibigan, at ang mga kasama natin sa BeamAndGo sa isang salu-salo sa Hong Kong at kasama ang Mindanao Hong Kong Workers Federation (MinFed).

Nagkatuwaan ang lahat sa mga games at mga raffle na ginawa. Aside from the games and raffles, there was a lot of sharing and enjoying each other‘s company. Ganoon ang Pilipino. Pag nagsasama-sama, may tawanan, mahalan, at siyempre pa, kainan! Para mas maganda, nagbigay ng mga regalo ang I-Remit at Generika Drugstore. May duda pa bang mahal tayo ng mga merchant natin sa BeamAndGo?

Sa Generika pa lang, sampung tao na ang nakakuha ng mga t-shirt at may sobrang swerte pang nakakuha ng Php 1000 na gift certificate na maaaring gamitin sa BeamAndGo. Sigurado at ligtas na ang pagpadala sa Pilipinas ng pambili ng gamot, libre pa. Saan ka pa?

Sa I-Remit naman, may mga nakakuha ng powerbank (hindi na sila malo-low batt!), selfie sticks, mga multi-purpose mesh cases, sling bags, at windbreakers! May pang selfie na, may pamporma pa sa panahon ng taglamig. Wagi!

Nandoon ang mga bida natin sa BeamAndGo – si Jonathan E. Chua, Albert Christian Go, Vanessa Cartera, Tom Acuesta, at Raizza Encinas. Nagtulong-tulong silang lahat para siguraduhing buo ang barkada lalo pa’t pagpapasalamat at patuloy na pagtulong ang pinag-uusapan. Namigay din sila ng mga naggagandahang mga BeamAndGo t-shirts.

Sikat na sikat dito siyempre ang MinFed. Pinasalamatan talaga sila sa event na ito dahil na rin sa mga naging pagsuporta sa BeamAndGo at sa pagtatanghal ng kulturang Mindanao sa ibang Pilipino at sa mga ibang lahi. Makikita ngayon ng iba na hindi lang Luzon o Visayas o dili kaya’y Metro Manila lang ang Pilipinas. Hindi kukulangin sa 26 ang mga miyembro nilang dumating.

Sabi ni Cindy Pesidas Encabo, kasalukuyang namumuno sa MinFed, ang pinakaproblema nga raw ng mga nagtatrabaho sa Hong Kong ay ang paglustay ng perang padala nila.

Narinig na ninyo siguro ang kwentong ito: Magpapadala kunwari ng Php 1000 ang isang OFW para sa groceries ng pamilya sa Pilipinas. Malalaman na lang ng kawawang OFW na kalahati lang pala ang ginamit sa groceries. Ang natira, pinanlibre na ng mga kabarkada ng kanilang paboritong toma o alak.

Dahil sa mga digital GC ng BeamAndGo at sa pagtuturo sa kanila, mas naging handa na ang isang OFW sa mas siguradong pagpapadala sa Pilipinas.

Naikwento ni Cindy na nung una, nagdududa pa sila dahil daw hindi pa naman matagal na kumpanya ang BeamAndGo. Pero natuwa silang lahat nung nasubukan na nila kung gaano kadaling bumili ng GC at ipadala ito sa pamilya sa Pilipinas. Hindi lang ito sobrang daling gawin, mas maganda pa ang naidudulot nito sa mga mag-asawa o sa iba-ibang mga kapamilya.

Halimbawa dito ang mga mag-asawang dahil hindi nagkakasundo sa pagbili ng pang-araw-araw na pangangailangan, nauuwi sa sigawan. Dahil sa BeamAndGo at sa mga GC nito, hindi makapaglulustay ang isang tao ng perang padala ng OFW.

Kita mo na? Nakatutulong ang BeamAndGo para mas magkaunawaan ang mga mag-asawa habang napangangalagaan ang kapayapaan sa pagitan ng mag-asawa.

Mga masasayang Beamer kasama si BeamAndGo CEO, Jonathan Chua, si Vanessa Cartera at si Raizza Encinas.

Siyempre, we also had visitors. HelperChoice was there to give a short talk on how they could help OFWs especially in finding good employers and protecting themselves from abuse.

Ganito talaga dito sa BeamAndGo. Masaya na, marami ka pang makikilala para hindi ka malungkot. Bukod pa doon, may mga matututunan ka ukol sa pag-alaga ng pera mo. Sagot ka namin. 

Baka hindi ka pa namin member. Para talagang matulungan ka namin, punta ka lang dito. Hihintayin ka namin. Kapag di pa kayo kumbinsido, panuorin niyo na lang ang video ng Salu-Salo sa ilalim.

 

Leave a ReplyCancel reply