こんにちは! Fiestang Pilipino! The most awaited event in Japan

a0962 12068400 444829605726061 5050875652274108098 o

The Philippine Festival

Malapit na ang June! Malapit na naman ang araw ng kalayaan and it’s time to celebrate! Hindi basta-basta ang dinaanan ng bayan natin para maging malaya. Biro mo, dumaan tayo sa ilang daang taon sa ilalim ng Kastila, ilang dekada sa mga Amerikano, tapos nandiyan pa ang Martial Law.

Siyempre, dahil panahon ng celebration, dapat piyesta tayo!

Related: Dito sa BeamAndGo,sigurado na laging may pagpiyepiyestahan ang pamilya. Click here to sign up!

Para sa mga kasamahan natin sa Japan, nandiyan ang Philippine Festival! Gaganapin ito sa darating na June 18 at 19 sa pagtutulungan ng Philippine Festival Organizing Committee at ng Philippine embassy sa Tokyo. Doon tayo magkikita sa Hibiya Park!

 

Noong nakaraang taon, humigit-kumulang sa 100,000 ang mga taong pumunta at hindi lahat doon ay Pilipino. Marami na rin mga kaibigan nating Hapon ang nakisalamuha at nakipagsaya. Siyempre naman masaya ata pag ang daming Pilipino sa paligid.

Related: Play the video for a recap of last year’s Philippine Festival with BeamAndGo

Pero higit pa sa lubos na kasayahan, ngayong 2016 din ipinagdiriwang ang ika-60 taong anibersaryo ng Philippine-Japan diplomatic relations.  Marami na tayong

Miss mo na? Mangan tana!

pinagdaanan kasama ng mga tao sa bansang ito at dito sa Philippine Festival natin ipagdiriwang ang lahat na pinagsaluhang iyan.

May traditional parade, dalawang araw na programa ng kultura, katatawanan, at kasayahan. At dahil siguradong miss na ng lahat ang mga talipapa sa atin, marami ring mga booth na nagbebenta ng mga sari-saring produktong Pilipino. Mawawala ba ang mga pagkain ng mga probinsiya natin diyan? Naamoy na namin ang sisig, barbeque, Pinoy spaghetti, puto, lechon, at sobrang dami pang iba!

Dito sa Philippine Festival mas matutunghayan ng dangal, saya, at kagandahan ng kulturang Pilipino. Maaasahan ang maraming kantahan hindi lang ng mga awiting Pilipino kung pati na rin ang mga kantang Hapon na ibabahagi ng mga kababayan nating mahusay umawit.

At ano pa nga ba ang isang maaaring makapagpakita ng ganda, kulay, at diwa ng pagdiriwang ng mga Pilipino kundi ang Ati-Atihan ng Aklan? Sayaw kalye, baby!

At dahil marami nga namang magaganda talaga sa ating mga kababayan, hindi nalalayong masiyahan tayo sa beauty pageant tulad ng sa nakaraang taon.

Ang dami nga namang festivities! Tiyak na hindi kayo mauubusan ng matutunghayan.

Paano naman ang BeamAndGo?

Related: Find out how BeamAndGo has been helping Filipino families across the world! Sign up with us now and experience it yourselves! (click here)

Kami ba sa BeamAndGo ay mawawala sa ganyan? Aba hindi! Nandoon kami at maghihintay doon nga sa Hibiya Park para makipagkwentuhan sa inyong lahat. Alam naming gusto sana ng marami na magpadala ng mga biyaya ng kanilang trabaho sa mga mahal nila sa buhay sa Pilipinas. Makikipagkwentuhan kami at tutulong muli para sigurado kayong maramdaman din ng pamilya ninyo ang ligayang taglay ninyo at ang biyayang nakamit sa pagtatrabaho sa Japan.

Unti nalang ang hihintayin at matutunghayan narin ng mga Beamer sa Japan ang bago nating payment partner – ang JCB! At dahil nga tiyak kaming marami sa inyong natulungan na at patuloy na nakikinabang sa JCB, sisiguraduhin namin na maaari na ninyong gamitin ang inyong credit card na ito kapag namili kayo sa BeamAndGo. Abangan na lamang ang mga karagdagang detalye tungkol dito sa www.beamandgo.com o kaya sa aming Facebook pageComing soon na, mga kababayan!

Okay, di ba?

O paano? Kita-kits tayong lahat sa Hibiya Park para magsaya, magtawanan, magpakabusog, magdiwang, at magpakita ng pagmamahal sa ating inang bayan at sa lahat nating mahal sa buhay.

Huwag rin kalimutang bisitahin ang www.beamandgo.com para alamin kung paano kami mas makatutulong sa iyo sa Japan at sa pamilya mo sa Pilipinas.

Leave a Reply Cancel reply